Muntinlupa City – Tinatayang nasa Php510,000 na halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Muntinlupa City ngayong araw ng Sabado, Marso 12, 2022.
Kinilala ni SPD Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Arnold Mendoza y Galapin, 42; Maria Belen Camacho y Morales, 51; Michael Pilares y Mahinay, 36; at Thorne Jordan France y Rocha, 19.
Ayon kay Police Brigadier General Macaraeg, bandang 1:00 ng madaling araw nahuli ang mga suspek sa United Power System, SMI Village, Brgy. Sucat, Muntinlupa City sa pinagsanib puwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) SPD, District Mobile Force Battalion (DMFB) SPD at Sub-station 4, Muntinlupa Police Station.
Ayon pa kay Police Brigadier General Macaraeg, narekober mula sa mga suspek ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, isang pirasong tunay na Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at pirasong black leather pouch.
Aniya pa ni Police Brigadier General Macaraeg, ang mga nakuhang ilegal na droga ay tumitimbang ng 75 gramo na may tinatayang halaga na Php510, 000.
Walang humpay ang operasyon ng Southern Police District sa paghuli ng mga taong nasa likod ng ilegal na droga upang hindi na ito makapinsala ng buhay ng mga inosenteng tao.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya