Saturday, November 23, 2024

200 Kabataang IPs muling pinasaya ng Kapulisan sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Pinasaya muli ang 200 na batang IPs ng mga kapulisan ng Sultan Kudarat sa buwanang pagsasagawa ng “Kaarawan Ko, Ngiti N’yo” kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month at Community Outreach Program sa Sitio Old Bantangan, Brgy. Lasak, Columbio, Sultan Kudarat nitong Biyernes, Marso 11, 2022.

Gaya ng nakasanayan, mga masusustansyang pagkain, mga party bag na may mga lamang laruan, palaro at libreng gupit ang inihandog ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa humigit kumulang 200 IPs na mga kabataan sa naturang lugar.

Maliban dito, hindi rin sila nagsawang turuan ang mga kabataan at mga residente sa nasabing lugar upang malayo sila sa masasamang gawain.

Abot tenga naman ang ngiti ng mga bata sa isinagawang aktibidad ng pulisya lalong lalo na sa pamimigay nila ng regalo at palaro kung saan lumabas at nahubog ang mga talento ng mga kabataan.

Ayon kay PLtCol Hoover Antonio, Force Commander ng 1st SKPMFC, matagumpay silang nakapag-abot ng kasiyahan sa mga kabataan sa tulong ng mga tauhan ng Columbio Municipal Police Station at miyembro ng Advisory Support Group for Police Transformation and Development na pinangunahan ni Ms. Sandy Hiso ng LGBTQ+ ng makasining Lahi ng Tacurong at mga kinatawan ng LGU.

Lubos naman ang pasasalamat ng Pambansang Pulisya sa walang sawang pagsuporta ng advisory council at mga stakeholders na nakatutok sa pagtulong sa mga mahihirap upang maibsan ang gutom at kahirapan sa kanilang komunidad.

###

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles