Pilar, Bataan – Naaresto ang isang Most Wanted sa Bataan ng mga pulisya ng Bataan nitong Huwebes ng tanghali, Marso 10, 2022.
Kinilala ni Police Major Rizaldy Rubio, Chief of Police ng Pilar Municipal Police Station ang suspek na si Richard Ballier y Calzada, 34, residente ng Brgy. Liyang, Pilar, Bataan.
Ayon kay Police Major Rubio, bandang 12:30 ng tanghali naaresto si Ballier sa nasabing barangay sa pinagsanib na puwersa ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Orion Municipal Police Station at Bataan Criminal Investigation and Detection Group.
Ayon pa kay Police Major Rubio, naaresto si Ballier sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 counts of Sexual Assault sa ilalim ng Section 5 Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na inihain ni Hon. Judge Marion Jacquelline Pallera Poblete ng Regional Trial Court, Branch 2 noong Marso 1, 2022 na may Criminal Case #22246, 22247 at 22248 at mayroong piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.
Ang Bataan Police Provincial Office ay patuloy ang pakikipaglaban sa kriminalidad para masigurado ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera