Lucena City, Quezon – Nakumpiska ang mahigit Php230,000 na halaga ng shabu at isa ang naaresto sa buy-bust operation ng mga kapulisan ng Quezon noong Huwebes, Marso 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Provincial Police Office ang suspek na si Jayron Grecia y Baluyot, 18, residente ng Purok Matahimik, Brgy. Cotta, Lucena City.
Ayon kay Police Colonel Villanueva, bandang 1:28 ng hapon naaresto si Grecia sa Purok Masagana, Teacher’s Village, Brgy. Cotta, Lucena City, Quezon ng pinagsanib na puwersa ng Lucena City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency ng Quezon, Provincial Intelligence/Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, 403rd Maritime Police Station, Criminal Investigation and Detention Group ng Quezon, at Regional Intelligence Unit 4A, Provincial Intelligence Team ng Quezon.
Ayon pa kay Police Colonel Villanueva, nakumpiska sa suspek ang 19 piraso ng heat-sealed plastic sachet na may kabuuang timbang na 11.46 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng Php233,784 at isang coin purse na may lamang isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at mga krimen para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon