Asturias, Cebu – Nasakote ang isang dating miyembro ng teroristang grupong NPA sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Cebu nito lamang Miyerkules, Marso 9, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall, Force Commander, Regional Mobile Force Battalion 7, ang naaresto na si Gil Marco, aka “Reming”, 41.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Claravall, bandang 5:00 ng hapon nahuli ang suspek sa Brgy. Uwak, Asturias, Cebu sa pinagsanib puwersa ng 701st at 703rd Maneuver Company RMFB 7, RIU 7, Guihulngan CPS at Asturias MPS.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Claravall, si Marco ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng RTC Branch 64, Guihulngan City, Negros Oriental, sa kasong Murder, na nilagdaan ni Hon Rosario S Carriaga, Assistant Judge, at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na nilagdaan naman ni Hon. Mario Trinidad.
Hangad ng ating pulisya na panatilihing tahimik at ligtas ang ating komunidad, kaya naman mas pinaigting ang pagsasagawa ng mga operasyon upang masawata ang mga taong lumalabag sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan P Llapitan