Thursday, June 19, 2025

3 HVI, arestado ng Makati PNP; Php850K halaga ng shabu, nakumpiska

Arestado sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang tatlong indibidwal na itinuturing na High Value Individual (HVI) at nakumpiskahan ng tinatayang Php850,000 na halaga ng shabu sa kahabaan ng Solchuaga Street, Barangay Tejeros, Makati City nito lamang Martes, Hunyo 17, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Reycon L. Garduque, Officer-In-Charge ng Makati CPS, ang mga suspek na sina alyas “Keano,” 32 anyos, residente ng San Andres Bukid, Maynila; “Dodong,” 40 anyos; at “Palito,” 42 anyos—pawang residente ng Barangay Tejeros, Makati City.

Pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon katuwang ang Sub-Station 1 (Olympia).

Tinatayang nasa 126 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam na may Standard Drug Price na Php856,800, boodle money na may kasamang isang tunay na Php1,000  bill at isang cellphone.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II, Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.

Pinuri ni Acting Southern Police District Director na si Police Brigadier General Joseph R. Arguelles, ang Makati City Police Station sa propesyonalismo at taktikang ipinamalas sa operasyon. Aniya, ang tagumpay na ito ay patunay ng tapat na pagtupad ng SPD sa misyon ng Chief PNP, Police General Nicolas D. Torre III, na nakasentro sa tatlong pangunahing haligi ng pamumuno: Swift and Responsive Public Service, Unity and Morale within the Ranks, at Accountability and Modernization.

Source: SPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,710SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles