Arestado ang dalawang pekeng Vietnamese Doctors sa isinagawang entrapment operation ng CIDG Quezon City District Field Unit ng CIDG National Capital Region sa Doly Beauty Lounge, H.V. Dela Costa, Bel-Air Village, Makati City noong Hunyo 16, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Rolindo M Suguilon, Officer-in-Charge ng CIDG, ang dalawang Vietnamese National na sina “Nguyen”, babae, at “Phuong”, lalaki.
Ayon kay PBGen Suguilon, ang mga suspek ay aktong nahuli ng mga operatiba na nagsasagawa ng medical procedures ng walang kaukulang lisensya at permit mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Ayon pa kay PBGen Suguilon, ilan sa mga major procedures na isinasagawa ng mga suspek ang nose augmentation at body parts modification.
Paalala ng CIDG sa mga gumagawa ng ilegal na aktibidad na hindi sila makakatakas sa batas lalo na sa mga ilegal na aktibidad at krimen sa bansa.