Valenzuela City — Nakumpiska ang tinatayang Php1.10 bilyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng awtoridad sa Valenzuela City kahapon, Marso 8, 2022.
Kinilala ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, ang mga naarestong suspek na sina Tianzhu Lyu, 32, Chinese National, residente ng Fujian, China, at si Meliza Villanueva, 37, residente ng Concepcion, Tarlac.
Ayon kay Police General Carlos, bandang 4:30 ng hapon nang naaresto ang mga suspek sa 22-B JP Rizal St. Arty Subdivision Brgy. Karuhatan, Valenzuela City sa pinagsanib puwersa ng PNP Drug Enforcement Group Intelligence and Foreign Liaison Division, PDEA IIS, PDEA NCR, NCRPO-Regional Intelligence Division-Regional Drug Enforcement Unit, Northern Police District, District Drug Enforcement Unit, Valenzuela City Police Station at Bureau of Customs IIS.
Aniya pa ni Police General Carlos, nakuha kina Lyu at Villanueva ang may kabuuang 160 kilos ng shabu na may street value na Php1.10 bilyon, tatlong cell phone at identification card.
Dagdag pa niya, ang mga naarestong suspek ay kilalang drug dealers sa Metro Manila, sa Rehiyon 3 at 4A.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The PNP vows to sustain with vigor anti-illegal drugs police operations with a greater focus on high-value targets engaged in trafficking and distribution of illegal drugs, of course, in coordination with PDEA, to help boost the government’s campaign for criminal justice”, ani PGen Carlos.
Source: Valenzuela City Police Station
###