Negros Oriental – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang pulisya ng Valencia sa Negros Oriental nito lamang Linggo, Marso 6, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMaj Roger Quijano, Chief of Police, kasama ang mga trainees ng Basic Internal Security Operation Course (BISOC) at grupo ng mga kabataan na boluntaryong nakilahok sa nasabing aktibidad.
Ayon kay PMaj Quijano, bandang 6:00 ng umaga sinimulan ang Tree Planting Activity sa Brgy. Apolong, Valencia, Negros Oriental at tinatayang nasa walumpung piraso ng non-bearing fruit na seedlings ang naitanim.
Ayon pa kay PMaj Quijano, ito ay alinsunod sa Core Values ng PNP ang “Makakalikasan” at bahagi ng adbokasiyang “Kaligkasan” (Kaligtasan at Kalikasan) na naglalayong pagtibayin ang hangarin ng ilang sektor ng komunidad upang muling buhayin at maibalik ang maayos at ganda ng ating kalikasan.
Kaya naman, patuloy na hinimok ng hanay ng Pambansang Pulisya ang publiko na patuloy na suportahan at makiisa sa mga programa ng pamahalaan, na walang ibang hangad kung hindi ang kabutihan ng pangkalahatan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan M Guisadio