Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga local government units (LGUs) upang tuluyang puksain ang mga small-scale drug dealers.
Binigyang diin nina PNP Spokesperson Police Brigadier Jean Fajardo at PDEA Spokesman Joseph Frederick Calulut sa isang panayam sa pambansang telebisyon ang pagpapaigting ng bawat ahensya, sa tulong ng ibang government agencies, ang pagsunod sa direktiba ng Pangulo na alisin ang mga community-based drug dealers nang hindi lumalabag sa due process.
Ayon kay President Ferdinand R. Marcos Jr., “So now, in the same vein, part of the lesson of this election, let’s go back to the grassroots level. If people are worried, saying, bring (drugs) back here, then let’s continue with the big drug busts … We will imprison those involved in drugs. But let’s look at the smaller offenders first.”
Alinsunod sa sinabi ng Pangulo, nabanggit ni PBGen Fajardo na lalahok sila sa mga pagpupulong ng town hall para maliwanagan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa estado ng problema sa droga sa kani-kanilang komunidad. Ayon sa kanya, ino-orient din nila ang mga tauhan ng pulisya kung paano ang tamang paglapit sa mga gumagamit at tulak ng droga, gayundin kung paano tukuyin ang mga pasilidad at laboratoryo ng droga sa kanilang mga nasasakupan.
“Isa pang gusto nating i-promote is the passing of barangay ordinances. Siguro sa iba, maliit na bagay lang ito. We want, even at the barangay level, they can pass anti-illegal drugs initiatives and programs, even the simple ones, the curfew hours,” sabi ni PBGen Fajardo.
Ibinunyag din ng PNP Spokesperson na nasa kabuuang Php43.3 bilyong halaga ng illegal narcotics ang nakumpiska ng PNP sa unang tatlong taon ng administrasyong Marcos. Tatlong beses na mas mataas ito kaysa sa Php14.3 bilyong halaga ng droga na nasamsam noong unang kalahati ng napakakontrobersyal na war on drugs ng dating administrasyon.
Idinagdag naman ni PDEA Spokesman Calulut na nagsimula na silang kumilos laban sa mga maliliit na nagbebenta ng droga, at inaasahang maglalabas ng data sa mga susunod na araw. Gaya ng PNP, mas malaking bulto at halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng PDEA ngayon kumpara sa nakalipas na administrasyon.