Nakumpiska ang tinatayang Php511,116 halaga ng puslit na sigarilyo mula sa dalawang indibidwal sa isinagawang Anti-Smuggling Operation ng pinagsanib na puwersa ng RID9 ZDS (lead unit), ZSPIU, 902nd MC, RMFB9, Tukuran MPS, 53rd IB, Delta Coy, PA at Bureau of Customs dakong 5:00 ng hapon nito lamang Mayo 22, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Bonifacio B Arañas, Provincial Director ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Garry”, 43 anyos, walang trabaho, residente ng Purok Tabing Ilog, Barangay Balangasan, Pagadian City; at Warkin, 43 taong gulang, residente rin ng parehong lugar.
Nasamsam mula sa operasyon ang 350 reams o pitong master cases ng Champion White cigarettes, 96 reams ng Berlin Red cigarettes, at isang unit ng Mitsubishi Mirage SW G4 na may kulay titanium gray metallic na may plakang KAU 4007, na nakarehistro sa pangalan ni Sweet Mia P. Ontiveros.
Aabot sa halagang Php511,116 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na smuggled cigarettes, batay sa standard price ng Bureau of Customs.
Patuloy ang panawagan ng PNP sa kooperasyon ng mamamayan upang matuldukan ang iligal na aktibidad sa komunidad.
Panulat ni Pat Joyce Franco