Tiklo ang Top 10 Most Wanted Person sa Regional Level sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng General Santos City Police Station 6, Sarangani Provincial Highway Patrol Team, RMFB 12, at CIDG RFU 12 sa Barangay Lagao, General Santos City nito lamang Mayo 23, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jan”, 20 anyos, walang trabaho, at residente ng Barangay Lagao, General Santos City.
Dinakip ang suspek sa kasong Robbery with Homicide na walang piyansang inirekomenda.
Ang PRO 12 ay patuloy na magsasagawa ng walang humpay na operasyon upang tugisin ang mga sangkot sa krimen tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
Panulat ni Pat Medelin