Isinagawa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang Blessing, Presentation, at Demonstration ng dalawang yunit ng EOD Robot MK3 Caliber at isang yunit ng ScanX X-ray Source XR200 nito lamang Mayo 22, 2025 sa PRO BAR Grandstand, Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ng mga pangunahing opisyal ng Regional Explosive and Canine Unit BAR sa pangunguna ni Police Brigadier General Albert G Magno, Director ng PNP EOD/K9 Group, ang aktibidad na dinaluhan din ni Police Colonel Jemuel F Siason, Deputy Regional Director for Operations ng PRO BAR.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen Magno ang kahalagahan ng nasabing makabagong kagamitan sa pagpapataas ng kahandaan, kahusayan, at kaligtasan ng mga pulis sa pagtugon sa mga banta ng pampasabog.
Ayon pa sa kanya, malaking tulong ito sa patuloy na pagsusumikap ng PNP na paunlarin ang kanilang kakayahan sa ilalim ng programang modernisasyon.

Sa isinagawang demonstration, ipinakita ang mga kakayahan ng bagong gamit, lalo na sa aspeto ng remote handling ng mga explosives at detalyadong pagsusuri gamit ang X-ray system, bilang bahagi ng patuloy na modernisasyon ng kapulisan sa Bangsamoro Region.
Ang aktibidad ay patunay ng mas pinaigting na kakayahan ng PRO BAR sa pagharap sa mga banta sa seguridad sa rehiyon.
Panulat ni Pat Ma. Señora Agbuya