Arestado ang isang Newly Identified Drug Suspect sa isinagawang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Iligan City Police Station 1 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency 10 sa Barangay Santiago, Iligan City nitong ika-23 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jerry Tambis, Acting City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Ammar”, lalake, 32-anyos, construction worker at residente ng Barangay Santiago, Iligan City.
Sa ikinasang joint buy-bust operation ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu na may bigat na 3.5 gramo at may Standard Drug Price na Php23,800 at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga drug paraphernalia.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra iligal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad.