Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay 8, Poblacion, Pambujan, Northern Samar nito lamang Mayo 22, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Maye”, 42 anyos at alyas “Liway”, 39 anyos na pawang mga magsasaka at residente ng Barangay Look, Lapinig, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang 19th Infantry, 83rd Military Intelligence Company, 8th Military Intelligence Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Northern Samar PMFC para sa dokumentasyon at facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o Local Social Integration Program.
Patuloy na nananawagan ang Pambansang Pulisya sa mamamayan na makiisa at makipagtulungan upang labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, magbagong buhay kasama ang pamilya at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian