Sunday, May 25, 2025

175 Kapulisan na nagsilbing SEB sa Maguinadanao, binigyang pugay ng PRO2

Bilang pagkilala sa natatanging sakripisyo, dedikasyon, at kabayanihan, isinagawa ngayong araw ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang Heroes’ Welcome para sa 175 na mga kapulisan mula sa Lambak ng Cagayan na nagsilbing Special Electoral Board (SEB) sa katatapos na 2025 elections sa Maguindanao.

Ginanap ang seremonya sa PRO2 Grandstand, kung saan mainit na sinalubong at binigyang parangal ang mga kapulisan na boluntaryong nagserbisyo sa mga COMELEC-controlled areas sa BARMM upang matiyak ang maayos, ligtas, at mapayapang halalan.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni PRO2 Regional Director Police Brigadier General Antonio P Marallag, Jr ang katapangan at katapatan ng mga pulis na tumugon sa tawag ng tungkulin sa kabila ng panganib.

“Ang inyong taos-pusong paglilingkod sa ating mga kapatid na Muslim sa BARMM ay patunay ng inyong pagiging tunay na lingkod-bayan. Hindi biro ang hamon ng pagtiyak ng seguridad sa mga lugar na may banta ng kapahamakan, ngunit pinatunayan ninyong kayang gampanan ito ng may dangal at katapatan,” ani PBGen Marallag, Jr.

Dagdag pa niya, ang pagtalaga ng mga kapulisan bilang SEB ay alinsunod sa direktibang inilabas ng COMELEC, na layong tiyakin ang integridad at kredibilidad ng halalan, lalo na sa mga lugar na itinuturing na may rekord ng karahasan at posibleng dayaan.

Bilang pagkilala sa kanilang natatanging ambag, ginawaran ang bawat pulis ng parangal at token bilang pasasalamat. Dinaluhan ang programa ng mga opisyal mula sa iba’t ibang yunit ng PNP, mga miyembro ng pamilya ng mga contingent, at miyembro ng PRO2 Press Corps.

Matapos ang opisyal na programa, pinagsaluhan ng mga kapulisan ang isang boodle fight bilang simbolo ng pagkakaisa, pasasalamat, at tagumpay ng PRO2 katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan, hindi lamang sa BARMM kundi sa buong rehiyon dos.

Source: PRO 2 FB Page

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles