Saturday, May 24, 2025

Php340K halaga ng shabu, nasabat sa isang drug suspek sa Search Warrant Operation sa Masbate

Nasabat ng PNP at PDEA ang tinatayang Php340,000 halaga ng shabu sa isang mataas na drug personality sa search warrant operation na isinagawa sa Barangay Espinosa, Masbate City nitong Mayo 21, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ayan,” 46 anyos, residente ng Barangay Espinosa, Masbate City.

Ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, katuwang ang mga tauhan mula sa Provincial Intelligence Unit, Provincial Police Drug Enforcement Unit, Masbate 1st Provincial Mobile Force Company, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Masbate.

Sa isinagawang paghahalughog sa tahanan ng suspek, nasabat ang pitong (7) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000.

Bukod dito, nakuha rin ang ilang piraso ng aluminum foil strips na may mga residue, at iba pang kagamitan na hinihinalang ginagamit sa ilegal na aktibidad.

Kasong paglabag sa Republic Act 91656 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kinakaharap ngayon ng suspek.

Ayon kay Police Brigadier General Andre P Dizon, hindi titigil ang Bicol PNP sa pagsupil sa operasyon ng mga sindikatong sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot. “Hangga’t may mga taong nagpapakalat ng mapanganib na droga sa ating mga pamayanan, mananatili tayong agresibo sa ating operasyon. Ang tagumpay na ito ay bunga ng solidong pagtutulungan ng ating kapulisan at katuwang na mga ahensya”.

Source: PNP Kasurog Bicol Facebook page

Panulat ni PSSg Mercolito P Lovendino Jr

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles