Arestado ng pulisya ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Robbery with Homicide sa Barangay Dumalo-ong, Gandara, Samar nito lamang ika-20 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Major Jonathan D Camacho, Officer-In-charge ng Gandara Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Lonio”, 68 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Hiparayan, Gandara, Samar.
Naaresto ang suspek bandang 4:50 ng hapon ng mga tauhan ng Gandara Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery with Homicide na walang inirekomendang piyansa.
Mas pinaigting ng Pambansang Pulisya ang paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian