Arestado sa manhunt operation ng Lingayen Municipal Police Station ang 19-anyos na binata na wanted sa kasong Statutory Rape sa Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan nito lamang Miyerkules, May 21, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Amor Mio I Somine, Officer-In-Charge ng Lingayen MPS, ang suspek na si “Roniel”, walang trabaho, at residente ng Barangay Balococ, Lingayen, Pangasinan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang itinakdang piyansa.
Patuloy namang paiigtingin ng PNP ang kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bansa.
Source: Lingayen MPS