Camp Quintin Merecido, Buhangin, Davao City – Isinagawa ng Police Regional Office (PRO) 11 ang turn-over of command activity sa PRO 11 Bagani Hall para sa Outgoing Regional Director na si PBGen Filmore Escobal at Incoming Regional Director PRO 11 PBGen Benjamin Silo Jr. sa Camp Quintin Merecido, Buhangin, Davao City, nito lamang Marso 3, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Operations PLtGen Rhodel Sermonia, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Si PBGen Silo ay isang huwarang tauhan ng PNP na nag-umpisa ng kanyang karera sa PNP bilang direct commissioned officer sa kanyang pinakaaasam na star-rank na Police Brigadier General. Habang hinuhubog niya ang kanyang namumukod-tanging pagganap at kanyang tunay na kakayahan sa serbisyo ng PNP, ang kanyang mahusay na pamumuno ay nakilala sa kanyang panunungkulan bilang Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office noong 2016 nang idineklara ang lalawigan ng Bataan bilang unang “drug-cleared” na probinsya sa buong bansa na kung saan ay tatlong buwan bago ang target na petsa ng Pangulo.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PBGen Silo ang kahalagahan at kagandahang-loob ng mga pangunahing kasanayan tulad ng pagsisiyasat sa mga miyembro ng PNP, gayundin, pinagtitibay niya ang suporta ng PRO 11 sa NTF-ELCAC ng gobyerno at nagpakita ng pagpapahalaga sa Revitalized-Pulis sa Barangay.
Ayon kay PBGen Silo, “Ang pangunahing prinsipyo ng pamumuno, lalo na sa ganitong uri ng bokasyon ay ipagpatuloy ang anumang mga proyekto, programa, aktibidad na makakatulong sa pagpapabuti ng serbisyo ng pulisya dito sa PRO 11. Obligasyon ko na pagbutihin at pag-ibayuhin pa ito. Sa huli, ang mga tao sa PRO 11, ang mga nagbabayad ng buwis ang siyang tatangkilikin ang kalidad ng serbisyo ng pulisya na pinalawig ng PRO 11.”
Pinasalamatan naman ng tauhan ng PRO 11 si PBGen Escobal sa kanyang mga mabuti at magandang serbisyo, isa na rito ay ang Revitalized-Pulis sa Barangay na siya ang brainchild ng programa at siya din ang nagpatayo ng kauna-unahang PRO-owned na ospital sa bansa na nagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan at medikal sa mga tauhan ng PNP at kanilang mga dependent.
####
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara