Nakumpiska ang tinatayang Php1.1 milyong halaga ng shabu mula sa isang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Bacolod City Police Office (BCPO) sa Purok Sigay, Barangay 2, Bacolod City nito lamang ika-22 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr, Chief ng CDEU, ang suspek na si alyas “Emil”, 29-anyos, walang trabaho at residente ng Purok Masagana, Barangay 6, Bacolod City.
Nakumpiska sa naturang operasyon na pinangunahan ni Police Lieutenant Richard Legada, Asst. Chief ng CDEU, ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ginamit bilang buy-bust item at karagdagang limang sachet at tatlong plastic bag na naglalaman ng parehong uri ng iligal droga.
Sa kabuuan, aabot sa humigit kumulang 170 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa suspek, na may estimated Standard Drug Price na tinatayang Php1,156,000.
Bukod dito, nakumpiska rin ang isang libong pisong buy-bust money, Php300 cash, at iba pang non drug items.
Si alyas “Emil/Yen-yen” ay hindi kabilang sa mga listahan ng High Value Individual (HVI) o sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), ngunit dahil sa bigat ng ebidensya, nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at Section 11 (Possession) ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang kampanya ng Philippine National Police laban sa iligal na droga, at ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng kanilang walang sawang pagtupad sa tungkulin para sa kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.