Thursday, May 22, 2025

Higit Php5.3 milyon halaga ng shabu, nasabat ng EPD sa Pasig City; 2 estudyanteng babae, arestado

Nasabat ang tinatayang Php5.3 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang kabataang babae na parehong 18 taong gulang sa isinagawang buy-bust operation ng Eastern Police District – District Drug Enforcement Unit (EPD-DDEU) dakong alas-10:00 ng umaga nitong Martes, Mayo 20, 2025 sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ni Police Brigadier General Aden T. Lagradante, Officer-In-Charge ng Eastern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Emma” at “Cristy,” parehong estudyante at residente ng nasabing barangay. Sila ay na-tag bilang Newly Identified High Value Individuals (HVI) dahil sa lawak ng tinatayang distribusyon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang sampung (10) malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 792.44 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php5,390,592 batay sa Standard Drug Price ng Dangerous Drugs Board.

Nahaharap ang dalawang dalagita sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Personal namang nagtungo sa lugar si PBGen Lagradante upang inspeksyunin ang resulta ng operasyon.

“Ang tagumpay na ito ay resulta ng masusing imbestigasyon, matiyagang surveillance, at matatag na kooperasyon ng ating mga operatiba. Patuloy ang ating laban sa droga para mapanatiling ligtas at maayos ang mga pamayanan sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila.”

Dagdag pa niya, “Hinihikayat namin ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan. Ang impormasyong ibinabahagi ninyo ay mahalaga upang tuluyang masugpo ang iligal na droga sa ating lipunan.”

Source: EPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles