Thursday, May 22, 2025

PNP, mas pinaiigting ang malawakang operasyon kontra iligal na droga; malalaking sindikato at street-level offenders, tinututukan

Pinaiigting na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng malawakang operasyon kontra iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagtugis hindi lamang sa mga malalaking sindikato kundi pati na rin sa mga street-level offenders.

Sa loob lamang ng dalawang linggo, mula Mayo 4 hanggang Mayo 17, 2025, umabot sa 664 na anti-illegal drugs operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 588 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga.

Nasamsam sa mga operasyon ang kabuuang 2,082 gramo ng shabu at 23 gramo ng marijuana na may tinatayang halagang Php14,162,488.40 batay sa Standard Drug Price.

Binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, na nananatiling pangunahing prayoridad ng organisasyon ang kampanya kontra ilegal na droga at ito’y ipatutupad nang agresibo sa lahat ng antas.

“Buong puso naming tinutupad ang utos ng Pangulo. Hahabulin natin ang mga sangkot sa ilegal na droga mula sa malalaking sindikato hanggang sa maliliit na street pushers. Walang sinuman ang makakatakas sa batas, at sisiguraduhin naming ang mga sumisira sa buhay at komunidad sa pamamagitan ng ilegal na droga ay mahuhuli, kakasuhan, at mapapanagot,” ani Chief PNP Marbil.

Upang higit pang patibayin ang kampanya, kasalukuyang inaayos ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang kanilang anti-drug strategy na may layong mapaigting ang kahusayan sa operasyon, intelligence gathering, at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

Hinihikayat din ng PNP ang bawat Pilipino na makiisa sa kampanya sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at pagsasagawa ng ulat ukol sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa droga.

Photo Courtesy by PRO MIMAROPA PNP

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles