Nakumpiska sa ikinasang search warrant ng mga tauhan ng Baguio Police Station ang baril at mga bala noong Mayo 20, 2025 sa Purok 4-B, Barangay Gumalang, Baguio District, Davao City.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng direktang pamumuno ni Police Major Lisandro G Bernado, Station Commander ng Baguio Police Station.
Nakumpiska mula sa tahanan ng suspek na si alyas “Omar” ang isang unit ng kulay itim na .38 caliber revolver na may lamang anim na bala, at karagdagang anim na bala ng .45 caliber na baril.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang kinaroroonan ng suspek.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino