Naaresto ng mga tauhan ng Jose Dalman Municipal Police Station katuwang ang Zamboanga del Norte Provincial Intelligence Unit ang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level noong Mayo 20, 2025 sa Barangay Sigamok, Jose Dalman, Zamboanga del Norte.
Kinilala ni Police Colonel Clarkl G Bacolod, Acting Chief of Police ng Jose Dalman MPS, ang suspek na si “Patrocenio”, 31 anyos, lalaki, single, at residente ng Barangay Sigamok, Jose Dalman, Zamboanga del Norte.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Frustrated Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco