Thursday, May 22, 2025

Mga pulis na nagserbisyo sa halalan, paparangalan

Bibigyan ng parangal ang lahat ng mga pulis na naitalaga sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa katatapos lamang na 2025 midterm National at Local Elections.

Ito ay direktiba mula mismo kay PNP, Police General Rommel Francisco D. Marbil, sa isinagawang Command Conference sa Kampo Krame noong ika-19 ng Mayo, kung saan pinuri niya ang dedikasyon at propesyonalismo ng mga kapulisan.

“Ang ating mga tauhan ay nagsilbing tahimik na tagapagbantay ng demokrasya sa buong panahon ng halalan. Ang kanilang disiplina at pagtatalaga ng sarili ay hindi lamang karapat-dapat purihin—nararapat silang kilalanin sa pormal na paraan. [Kaya’t] inatasan ko na ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na ihanda at ipamahagi ang karagdagang parangal sa lahat ng naitalaga sa election duties,” ani PGen Marbil.

Hindi maitatanggi na ang matagumpay at payapang pagdaraos ng halalan noong Mayo 12 ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga puwersang panseguridad, mga stakeholder ng halalan, at ng sambayanang Pilipino.

Patuloy na pinatutunayan ng PNP ang pagtupad nito sa tungkulin at ang walang sawang suporta nito sa mabuting pamamahala at pagtitiwala ng mamamayan sa proseso ng demokrasya.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles