Wednesday, May 21, 2025

Love Scam Hub umano sa Cebu City, ipinasara at iniimbestigahan ng mga awtoridad

Pansamantalang ipinasara at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang kompanya sa Barangay Kasambagan, Cebu City na umano’y sangkot sa operasyon ng isang “love scam hub,” matapos itong isiwalat ng isang foreign hacker sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Noong Martes ng hapon, Mayo 20, 2025, isinagawa ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod, kasama ang iba’t ibang law enforcement units, ang pagsasara ng BMJ Data Processing Services sa bisa ng ipinalabas na show cause order. Kabilang sa nasabing operasyon ang Police Regional Office 7, Cebu City Police Office, Criminal Investigation and Detection Group–Cebu City Field Unit, at Regional Anti-Cyber Crime Unit 7.

Ayon sa BPLO, tatlong paglabag ang naitala laban sa kumpanya: ang operasyon nito nang walang Mayor’s Business Permit, hindi pag-renew ng nasabing permit, at hindi rin pagpapaskil ng business permit sa lugar.

Ibinunyag ng hacker na ang naturang kumpanya ay dating nakabase sa Skyrise 1 sa Barangay Apas, IT Park, bago inilipat sa kasalukuyang lokasyon sa Barangay Kasambagan. Ang operasyon umano nito ay nakatuon sa panlilinlang sa mga dayuhang biktima, kung saan inaalok ang mga ito ng mga investment scam kapalit ng pangakong mataas na kita.

Pagdating ng mga awtoridad sa lugar, wala umanong naabutang empleyado, ayon kay Police Colonel Enrico Figueroa, City Director ng CCPO. Tanging mga computer set at iba pang kagamitan na lamang ang naiwan.

Isang babae na nagpahayag na siya raw ay supervisor ng sub-lessee ng BMJ ang nakontak ni Police Colonel Figueroa. Nakipag-ugnayan ito at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon sa tulong ng kanyang abogado. Nilinaw rin niya na inuupahan lamang nila ang gusali at sila raw ang may-ari ng mga kagamitan, ngunit ibang grupo na umano ang kasalukuyang nagpapatakbo nito. Iginiit pa niyang wala silang kaalaman sa ilegal na gawain.

Gayunpaman, sinabi ni Police Colonel Figueroa na isasailalim sa mas malalim na imbestigasyon ang insidente, lalo na’t may isa pang tenant sa gusali ang nagpahayag ng hinala sa umano’y kahina-hinalang aktibidad sa lugar.

Batay sa paunang impormasyon, itinigil na umano ng kumpanya ang kanilang operasyon noong Mayo 19, isang araw matapos silang mag-viral sa social media.

Samantala, ayon kay RACU 7 Chief of Operations, Police Captain Gaudioso Morte, nagsasagawa na sila ng legal na hakbang upang makakuha ng search warrant para masuri ang mga naiwan na computer at matukoy ang eksaktong uri ng scam na isinagawa.

Dagdag pa ni Police Brigadier General Redrico Maranan, Regional Director ng PRO7, hawak na ng mga awtoridad ang listahan ng mga empleyado ng BMJ.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang lawak ng operasyon at kung sino-sino pa ang sangkot sa umanoy international online scam.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles