Umabot sa Php43.8 bilyon halaga ng ilegal na droga ang narekober na ng PNP sa ilalim ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula July 2022 hanggang May 17, 2025.
Ito ay mula sa datos na ipinakita ni Police Colonel Randulf Tuaño, Chief ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP) sa isang press briefing sa Kampo Krame noong ika-20 ng Mayo 2025.
Maliwanag na mas mataas ang halaga nito ng Php29.4 bilyon kumpara sa mahigit Php14.3 bilyon na halaga ng iligal na droga na narekober sa ilalim ng nakaraang Pangulong Duterte administration.
Naipahihiwatig ng tagumpay na ito ang epektibong anti-illegal drug operations ng PNP sa kasalukuyang administrasyon.
Patuloy ang PNP sa paggawa ng mga hakbang upang mabawasan ang mga krimen kaugnay sa iligal na droga.