Wednesday, May 21, 2025

Pagresolba sa mga Election-Related Incidents, pinabibilisan ni CPNP

Pinabibilisan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil ang agarang pagresolba sa lahat ng validated Election-Related Incidents (ERIs) kaugnay ng katatapos lamang na 2025 National and Local Elections noong Mayo 12, 2025.

Nasa 97 validated ERIs ang kasalukuyang iniimbestigahan na sangkot sa mga insidente ng karahasan at pananakot sa panahon ng eleksyon. Kaugnay dito, inatasan ni PGen Marbil ang lahat ng Regional at Provincial Directors na magbigay ng regular na ulat sa progreso ng kanilang mga kaso at siguruhing mapanagot ang mga salarin ayon sa batas.

Pagbibigay-diin ng Hepe, ang direktiba ay galing mismo sa ating Pangulo na naglalayong hindi madungisan ng karahasan ang proseso ng demokrasya sa bansa. Mababa man ang bilang ng ERIs kumpara sa nakaraang taon, hindi dapat mapabayaan ang ni isang kaso.

“May obligasyon tayong itaguyod ang hustisya para sa ating mga kababayan. Ang mapayapang halalan ng 2025 ay dapat sabayan ng mabilis at maayos na pagresolba sa mga kaso,” ani ng Chief PNP.

Samantala, pinuri naman ni PGen Marbil ang record-breaking voter turnout na 81.65%, katumbas ng mahigit 68 milyong botante, ang pinakamataas sa kasaysayan ng midterm elections sa bansa. Inihayag niyang naging susi sa tagumpay ng halalan ang kooperasyon ng Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), iba pang election stakeholders, at ang malawakang deployment ng kapulisan.

Ang 2025 National and Local Elections ay maituturing na pinakamaayos at pinakapayapang halalan sa kasaysayan ng bansa. Hinihikayat ng PNP ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa pagsisiyasat sa mga kasong may kinalaman sa katatapos na halalan sa pamamagitan ng mga lokal na himpilan ng pulisya o opisyal na hotline.

Source: PNP FB Page

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles