Wednesday, May 21, 2025

Mahigit Php3M halaga ng shabu, nasabat ng Tacloban City PNP; High Value Individual, arestado

Tinatayang Php3,780,800 halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay 91 Abucay, Tacloban City nito lamang ika-17 ng Mayo 2025.

Kinilala ni Police Major Shenna S Layog, Acting Station Commander ng Tacloban City Police Station 2, ang suspek na si alyas “Amir”, 28 anyos at residente ng Barangay 59-A Sampaguita, Tacloban City.

Bandang 12:38 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan na Tacloban City Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.

Nakumpiska sa suspek ang 16 pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 556 gramo na nagkakahalaga ng Php3,780,800, isang 500-peso bill kasama ang 29 pirasong 1,000 peso bill, isang 500 peso bill bogus money at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pagpapaigting ng Pambansang Pulisya katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno sa kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles