Ibaan, Batangas – Naaresto ang Top 5 Most Wanted Person ng Rehiyon 6 at 4A sa checkpoint ng mga pulisya ng Ibaan, Bataan nito lamang hapon ng Huwebes, March 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Glicerio Casilao, Provincial Director ng Batangas Provincial Police Office ang naarestong suspek na si Ranilo Gallego y Flores alias “Romlen”, 43, helper, tubong Negros Occidental, residente ng Barangay Balanga, Ibaan, Batangas.
Ayon kay Police Colonel Casilao, bandang 3:11 ng hapon naaresto ang suspek sa National Hi-way, Brgy. Tataibon, Ibaan, Batangas, matapos sitahin ng mga tauhan ng Ibaan Municipal Police Station dahil sa hindi pagsuot ng helmet.
Ayon pa kay Police Colonel Casilao, hinanapan ng lisensya ang arestado ngunit peke ang kanyang driver’s license kaya agad siyang inimbitahan sa istasyon ng pulisya para imbestigahan.
Dagdag pa ni Police Colonel Casilao, sa pagsisiyasat ng pagkakilanlan ng arestado ay napag-alaman na siya ay may Warrant of Arrest sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 40, Silay City, Negros Occidental noong Hulyo 1, 2014 at walang inirekomendang piyansa.
Ang mga kapulisan ng Batangas PPO ay lalong pang paigtingin ang checkpoints sa lalawigan upang makamit ang layunin ng SAFE 2022 at hinihikayat ang mga mamamayan na sumunod sa mga traffic rules at road signs para sa ligtas na pagbiyahe.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon