Tuesday, May 20, 2025

Php2.9M halaga ng shabu, nasabat sa Search Warrant sa GenSan; 2 suspek, arestado

Umabot sa mahigit Php2.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na isinilbi sa Purok 8, Barangay Conel, General Santos City dakong 7:08 ng umaga nito lamang Mayo 18, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Bren”, 31 anyos, make-up artist, at si “Rodolfo”, 35 anyos, walang trabaho, kapwa naninirahan ang mga ito sa nasabing lugar.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 9 ng General Santos City Police Office (GSCPO) katuwang ang mga operatiba ng GSCPO-CIU, City Drug Enforcement Unit (CDEU), at PDEA RO XII.

Nakuha sa mga suspek ang 16 na sachets ng hinihinalang shabu, kabilang ang malalaki at maliit na pakete; tatlong pakete ng pinatuyong dahon at buto ng hinihinalang marijuana; apat na improvised tooter; kabilang ang isa na gawa sa salamin; replica ng SR-16 5.56mm Knights Armament rifle; dalawang piraso ng 5.56mm magazine at dalawang bala; halagang Php69,850 sa iba’t ibang denominasyon; at iba pang pinaniniwalaang drug paraphernalia.

Ang kabuuang timbang ng nasabat na shabu ay tinatayang 430.07 gramo na may Standard Drug Price na Php2,924,476, habang ang marijuana naman ay may timbang na 6.17 gramo at may tinatayang halaga na Php740.

Ayon kay Police Brigadier General Arnold P. Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 12, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng pinaigting na kampanya ng PRO 12 laban sa iligal na droga sa rehiyon, alinsunod sa direktiba ng pambansang pamunuan ng PNP.

Kasong paglabag sa Section 11 at 12, Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang isinampang reklamo laban sa mga suspek.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles