Makabuluhan at impormatibo ang isinagawang Anti-Bullying Lecture ng mga tauhan ng Bataraza Municipal Police Station na ginanap sa Barangay Bono Bono, Bataraza, Palawan nito lamang ika-16 ng Mayo 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolwoman Ma Jonna R Tolentino, Asst. WCPD Investigator ng Bataraza MPS, na siyang naging tagapagsalita hinggil sa Anti-Bullying at iba pang crime prevention tips para sa mga kabataan ng nabanggit na barangay.
Layunin ng lecture na ito na magbigay kaalaman tungkol sa bullying, ituro ang tamang pag-uugali, at hikayatin ang pagbibigay respeto at pagkakapantay-pantay sa bawat isa sa lipunan.
Source: Bataraza MPS
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadana