Arestado ng Gandara PNP ang tinaguriang Top 2 Municipal Most Wanted Person na may kasong Murder matapos mahuli sa Barangay Catorse De Agosto, Gandara, Samar nito lamang ika-18 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Major Jonathan D Camacho, Officer-In-Charge ng Gandara Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Rostom”, 31 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Balocawe, Gandara, Samar.
Naaresto ang suspek bandang 10:00 ng umaga ng mga tauhan ng Gandara Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas at mapanatiling ligtas ang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian