Pinangunahan ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief, Philippine National Police, bilang pangunahing pandangal at tagapagsalita sa isinagawang Inagurasyon at blessing ceremony ng Modern Model Classroom sa Philippine Military Academy, Fort General Gregorio Del Pilar, Baguio City noong Mayo 16, 2025.
Ang kaganapan ay dinaluhan din ni Police Brigadier General David K Peredo, Jr, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region, kasama ang iba pang key officers ng PRO CAR, at ng kanyang butihing asawa na si Gng. Mary Rose P. Marbil.


Ang Modern Model Classroom ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatiba at mapagbigay na sponsorship ni PGen Marbil, isang proud alumnus ng PMA “SAMBISIG” Class of 1991.
Ang makabagong pasilidad na ito ay dinisenyo upang lalong mapataas ang kalidad ng edukasyon, itaguyod ang inobasyon, at bigyang inspirasyon ang mga kadete sa kanilang pangarap na maging mabisang lider ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng bansa sa hinaharap.