Personal na binisita at ipinaabot ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng PRO BAR ang taos-pusong pasasalamat mula kay Chief PNP Police General Rommel Francisco D Marbil, sa mga kapulisan ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi sa mahalagang papel na kanilang ginampanan tungo sa matagumpay at mapayapang halalan 2025 nito lamang ika-13 ng Mayo 2025.



Pinasalamatan din ni PBGen Macapaz ang mga nagsilbing Special Electoral Boards: Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, mga Local Government Units, Civil society organizations, Media, at mga volunteer groups na naging katuwang ng PNP sa pagbabantay at pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan hanggang matapos ang halalan.
Sa pamumuno ni Chief PNP Marbil, ipinahayag ni RD, PRO BAR ang kanyang labis na kasiyahan sa maagap at masigasig na mga hakbang ng mga kapulisan, at binigyang-diin ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na proseso ng halalan.
Pinuri din nito ang kanilang tapat na paglilingkod na malaki ang naging ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.
Ang kanyang pagbisita ay nagsilbing pagkakataon upang higit pang mapataas ang morale ng mga kapulisan at muling pagtibayin ang walang-humpay na suporta ng PNP sa pagsulong ng ligtas at matiwasay na komunidad sa buong rehiyon ng Bangsamoro.