Arestado ng mga awtoridad ang mag-amang taga-Ilocos Sur sa kasong Illegal Possession of Firearms sa Sitio Barbarit, Barangay San Pedro, Narvacan, Ilocos Sur nito lamang Mayo 14, 2025.
Kinilala ni Police Major General Nicolas D Torre III, Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang mag-amang sina Bobby at BJ.
Ayon kay PMGen Torre III, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Ilocos Sur Provincial Field Unit at Ilocos Sur 1st Provincial Mobile Force Company ang mag-ama sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagresulta sa pagkakumpiska ng isang (1) caliber 45 pistol, isang (1) caliber 38 revolver, at isang (1) bolt assembly.


Naging matagumpay ang pag-aresto sa mag-ama sa tulong ng Civilian Informants and Detectives (CID) ng CIDG.
“I commend the CIDG Ilocos Sur Provincial Field Unit and the valiant and brave member of CIDG – Civilian Informants and Detectives (CID) for the successful confiscation of the loose firearms and arrest of the suspects. This underscores the relevance and importance of our CID as force multipliers, they helped the CIDG in preventing and solving crimes, and catching criminals by giving vital information. This is another success story of police community relations. Indeed, policing is a shared responsibility between the police and the community. Maraming salamat sa inyo. Pakipaabot sa ating matapang na CID member and aking taos-pusong paşasalamat,” papuri ni PMGen Torre III sa mga operationg units at CIDG CID sa matagumpay na operasyon.