Catarman, Northern Samar – Nagsagawa ng community outreach program ang mga kababaihang pulis ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company nito lamang Miyerkules, Marso 2, 2022.
Ang naturang programa ay sa pamamagitan ng BARANGAYanihan kitchen (Feeding) activity na ginanap sa iba’t ibang barangay ng Catarman, Northern Samar bilang parte ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Mahigit 70 na mga bata ang nakatanggap ng Jollibee food packs, ice cream at iba pang snacks.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong pagandahin ang mabuting pakikitungo sa mga nasasakupan at magbigay ng munting kagalakan sa mga bata.
Ito naman ang mensahe ni Police Lieutenant Colonel Edwin Oloan Jr., Force Commander, 1st Northern Samar PMFC, “Ngayong buwan, ipinagdiriwang natin ang buwan ng mga kababaihan at ang kanilang mga nagawa sa ating organisasyon at lipunan. Ito ay pagdiriwang ng mga kababaihan na gumagawa ng sarili nilang mga desisyon, pakikipagsapalaran upang marinig ang kanilang mga boses at pamumuno para sa pagbabago.”
Dagdag pa ni PLtCol Oloan, “Saludo tayo sa pinapakita nilang kagalingan sa bawat aspeto ng buhay. Muli sa outreach program na ito, nagpapakita na sila ay maaasahan sa kahit na anumang bagay at handang magsakripisyo para sa mamamayan.”
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1624120947924866&id=100009809290853&sfnsn=mo
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez