Naaresto ng mga operatiba ng Sibutad PNP ang isang Top 1 Most Wanted Persons sa Municipal Level sa kasong paglabag sa Section 5(B) Rape by Sexual Assault ng RA 7610 at Statutory Rape noong Mayo 13, 2025 sa Barangay Bagacay, Sibutad, Zamboanga del Norte.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Jay”, 23 anyos, lalaki, at residente ng naturang lugar.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5(B) Rape by Sexual Assault ng Republic Act 7610 at Statutory Rape.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco