Wednesday, May 14, 2025

Insidente kaugnay sa Eleksyon, 56% ang ibinaba

Bumaba ng 56% ang insidente ng mga karahasan na may kaugnayan sa katatapos na 2025 National and Local Elections kumpara sa naitala noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), may kabuuang 46 Election-Related Incidents (ERIs) ngayong 2025 NLE mula sa 105 insidente na naitala noong 2023 BSKE.

Iniugnay ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, ang positibong pagbaba na ito sa pinaigting na mga operasyong panseguridad, koordinasyon sa Commission on Elections (COMELEC) at Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang maagap na deployment ng mga PNP personnel sa mga election areas of concern.

“Ang pababa ng mga insidenteng may kinalaman sa botohan ay isang patunay sa aming pangako na itaguyod ang mithiin ng Pangulo na isang demokratikong proseso na walang takot, pananakot, at karahasan. Ang buong kapulisan ay walang humpay sa kanilang tungkulin na protektahan ang balota at tiyakin ang kaligtasan ng publiko,” sabi ni PGen Marbil.

Sa mga nakalipas na halalan, ang 2023 BSKE ang naitalang may pinakamataas na bilang ng mga ERI, 289% ang itinaas mula sa 27 na insidente noong 2022 NLE. Sa 42,000 barangay na naitala, nanguna sa listahan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 57 insidente, sinundan ng Region 10 na may 15, at Regions 8 at 1 na may tig-anim.

Ang pagtaas na ito ang nagtulak sa kasalukuyang administrasyon na mas paigtingin ang seguridad ng katatapos lang na botohan hanggang sa tuluyang matapos ang election period.

Lumabas sa 2025 NLE na ang Cordillera Administrative Region ang may pinakamataas na bilang ng mga ERI na 13, na sinundan ng BARMM na may walo (8), at Rehiyon 4A na may lima (5).

Gayunpaman, hindi alintana na patuloy ang ginagawang mga hakbang ng PNP upang pangalagaan ang integridad ng bawat electoral process. Binibigyang-diin ng makabuluhang 56% na pagbaba ang dedikasyon ng PNP na paigtingin ang mga operasyong panseguridad sa mga lugar na may election concerns; at mapanatili ang koordinasyon sa COMELEC, AFP, at iba pang mga stakeholders.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles