Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Amantillo, Marabut, Samar nito lamang ika-11 Mayo 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Sara”, 37 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Mabini, Basey, Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 8 at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit caliber .38 revolver at limang bala.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at grocery items mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Samar PMFC para facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy pa rin ang panawagan ng Pambansang Pulisya na magbalik-loob na ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs upang makapiling muli ang kanilang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating pamahalaan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian