Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar nito lamang Mayo 11, 2025.
Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Uno”, 50 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Can-maria, Lapinig, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, kasama ang Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8, 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, Northern Samar Provincial Intelligence Unit at 52nd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit ng Homemade shotgun, isang magasin at tatlong (3) piraso ng gauge na bala.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 801st Maneuver Company, RMFB 8, para sa kaukulang dokumentasyon at facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy na nananawagan ang Pambansang Pulisya sa mamamayan na makiisa at makipagtulungan upang labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, magbagong buhay kasama ang pamilya at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian