Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang Php1.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang COMELEC checkpoint operation sa Purok 3, Lanipao, Lala, Lanao del Norte nitong Mayo 11, 2025.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng Lala Municipal Police Station katuwang ang 1005th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10,
Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ay naharang ang isang white/brown Toyota Tamaraw Revo na minamaniho ng isang alyas “Hasan”, 29 taong gulang at alyas “Omar”, 21 taong gulang, pawang mga residente ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang 31 master cases at 40 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng Php1,272,000.
Ang kapulisan ng Rehiyon 10 ay hindi titigil sa pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan at kapayapaan ng nasasakupan.