Tuesday, May 13, 2025

1 patay, 1 sugatan sa umano’y election-related violence sa Dinas, Zamboanga Del Sur

Patay ang isang (1) indibidwal habang sugatan naman ang isa (1) pa sa umano’y insidente ng election-related violence na naganap sa mismong araw ng halalan, Mayo 12, sa Purok 3, Barangay Guinicolalay, Dinas, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Police Colonel Bonifacio Aranas, Jr., Provincial Director ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office, isang armadong grupo ang umano’y nang-harass sa kalabang political group.

Agad naming rumesponde ang mga kapulisan at naabutan sa lugar ang mga biktima.

Kinilala ang nasawing biktima na si Samsodin, 25 taong gulang, na nagtamo ng matinding pinsala, habang bahagyang nasugatan naman ang kanyang drayber. Agad dinala si Samsodin sa Mendero Hospital sa lungsod ng Pagadian subalit idineklara itong dead on arrival.

Sa isinagawang imbestigasyon, natagpuan ng mga awtoridad sa lugar ang dalawang abandonadong pick-up vehicles, labing-siyam na cartridge casings ng 5.56mm, pitong .45 caliber, isang assault rifle, sling bag na may lamang Php12,600 cash at mga sample ballot.

Isasailalim sa ballistic examination ang mga narekober na armas bilang bahagi ng masusing imbestigasyon.

Tinawag ang insidente bilang isang “senseless act of violence” at tiniyak na “ang mga awtoridad ay magiging masigasig sa paghahanap at pagpaparusa sa mga responsable.”

Sa kabila ng insidente, nagpatuloy pa rin ang halalan sa nasabing bayan sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng kapulisan at mga katuwang na ahensya.

Source: https://remate.ph/1-patay-1-sugatan-sa-pinaniniwalaang-election-related-violence-sa-zambo-del-sur/

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles