Mariing kinondena ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) ang pag-atake ng umano’y armadong grupo sa tropa ng Bravo Company at 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa isang regular na mobile patrol sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong ika-10 ng Mayo, 2025.
Ang tahasang pag-atake na ginawa ng mga armadong grupo, sa pangunguna nina Kumander Kipar at Kumander Gapor, ay isang duwag na pagkilos na nakapaminsala sa mga tauhan ng AFP.
Gayunpaman, ang PRO BAR ay naninindigan sa hindi natitinag na pakikiisa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang tiyakin ang seguridad ngayong halalan.
Pinuri ni Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director of PRO BAR, ang katatagan ng tropa sa pangakong panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa mga komunidad na madaling maapektuhan ng mga banta ng mga armadong grupong.
Ang pag-atake sa ating mga sundalo ay isang pag-atake sa kapayapaan mismo. Hindi natin hahayaan ang anumang banta na sirain ang katatagan at demokratikong proseso sa rehiyon ng Bangsamoro. Ang PRO BAR ay nananatiling ganap na nakatuon sa pakikipagtulungan sa AFP upang matiyak na maibibigay ang hustisya at mapangalagaan ang kapayapaan,” ani PBGen Macapaz.
Hinihimok ng PNP ang kooperasyon ng mamamayan ng Bangsamoro sa pangangalaga demokrasyang tinatamasa at pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.