Ayon sa Philippine National Police (PNP) na walang seryosong banta sa seguridad ang nababantayan bago ang midterm elections, dahil nananatiling nakaalerto ang puwersa ng pulisya.
Ayon kay Police Brigadier General Jean Fajardo, PNP spokesperson, na ang puwersa ng pulisya ay nasa heightened security status mula pa noong Mayo 3, na may full deployment ng mga tauhan sa mga polling center, Commission on Elections (Comelec) checkpoints, at election activity hubs sa buong bansa.
“Napaka-hands-on ang ating Chief PNP na si Police General Rommel Francisco Marbil. Palagi niyang pinapaalalahanan ang ating mga tauhan na siguraduhing mapayapa, maayos, at kapani-paniwala ang halalan. Iyan ang direktiba ng Pangulo,” ayon kay PBGen Fajardo sa isang pahayag sa dzBB.
Photo Courtesy by Banayoyo Police Station
Source: The Philippine Star