Sunod na binisita ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil ang Police Regional Office 13, PRO 9, at PRO Bangsamoro Autonomous Region, upang suriin ang kahandaan ng mga Police Regional Offices para sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo 12, 2025.

Sa kanyang pagbisita sa Kampo Col Rafael C. Rodriguez sa Lungsod ng Butuan noong Mayo 9, pinuri ni PGen Marbil ang maagap na paghahanda ng PRO 13 para sa eleksyon, lalo na ang pamamahagi ng Push-to-Talk Over Cellular (POC) radios at ang pagpapaunlad ng AGAP Caraga mobile application—isang makabagong digital platform na nangangahulugang Alerto, Giya, Andam, Paglikay, na layong pataasin ang kamalayan ng publiko at seguridad sa pamamagitan ng real-time na mga abiso, gabay, paghahanda, at pag-iwas sa mga posibleng banta.
Pinangunahan din ng PNP Chief ang isang Command Conference at nagsagawa ng “Talk to Men” upang bigyang-diin ang kahalagahan ng neutrality, professionalism, at adherence to the rule of law sa eleksyon.

Noong Mayo 10, nagpunta si PGen Marbil sa Lungsod ng Zamboanga upang suriin ang mga estratehiya ng PRO 9 sa deployment na naglalayong tiyakin ang zero election-related incidents.
Kalaunan ay tumungo si PGen Marbil sa Lungsod ng Cotabato kung saan inilahad ng PRO BAR ang kanilang security briefing para sa halalan.

Pinangunahan din niya ang pagbabasbas sa bagong-renovate na gusali ng Aviation Security Group (AVSEGROUP) sa Kampo Siongco, Awang, Maguindanao del Norte.
Ang mga pagbisitang ito ay nagpapakita ng matibay na dedikasyon ng PNP sa pagbibigay-proteksyon sa proseso ng halalan at pagpapalakas ng institusyonal na kaunlaran upang maisakatuparan ang ligtas at mapagkakatiwalaang midterm elections.
Source: PNP FB Page