Timbog ang apat na nagpakilalang dentista na nagsagawa ng serbisyong medikal na walang kaukulang lisensya sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng PNP Anti-Cyber Crime Group sa Zamboanga City at Ipil, Zamboanga Sibugay mula Abril 2-24, 2025.
Ayon sa Regional Anti-Cybercrime Unit 9, nahuli sa operasyon ang mga nagpapanggap na dentista na nag-aalok ng mga serbisyong dental tulad ng pasta, bunot ng ngipin, at paglalagay ng braces — lahat ay ginagawa kahit walang lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ayon sa PNP, lumalabag ang mga ito sa Section 33(a) and Section 33(i) of Republic Act 9484 also known as Philippine Dental Act of 2007 in relation to Section 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act).
Nagbabala ang PNP sa publiko na maging mapanuri at tiyaking lisensyado ang kanilang pinagdadalhang dental clinic upang makaiwas sa posibleng panganib sa kalusugan at komplikasyon dulot ng maling gamutan.
Patuloy rin ang pinaigting na kampanya ng PNP ACG laban sa mga pekeng propesyonal, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Pat Joyce M Franco