Saturday, May 10, 2025

PRO 10, tinitiyak ang proteksyon sa media matapos ang insidente ng sunog sa Camiguin

Tiniyak ng Police Regional Office 10 ang kanilang matibay na paninindigan sa pagbibigay-proteksyon sa mga miyembro ng media kasunod ng sunog na kinasangkutan ng isang sasakyan na nakarehistro sa isang media personality sa Barangay Poblacion, Sagay, Camiguin nitong Mayo 10, 2025.

Batay sa ulat, bandang alas-3:27 ng madaling araw, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Sagay Municipal Police Station (MPS) at Sagay Fire Station sa insidente. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang apoy ay nagmula umano sa kaliwang headlight ng isang puting Nissan NV350 URVAN 2.5 na may plakang KAC4218, na pagmamay-ari ni Manuel V. Jaudian, residente ng lugar.

Idineklarang kontrolado ang sunog ng Bureau of Fire Protection (BFP) dakong alas-3:35 ng madaling araw. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi. Patuloy na isinasagawa ang masusing imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Bilang tugon, muling iginiit ni PBGen Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO 10, ang kahalagahan ng seguridad ng mga mamamahayag lalo na sa panahon ng eleksyon. “Patuloy kaming magiging kaagapay ng media sa pagtataguyod ng katotohanan at kaligtasan,” aniya.

Hinikayat ng PRO 10 ang lahat ng miyembro ng media na agad mag-ulat sa mga awtoridad sakaling makaranas ng anumang banta sa kanilang kaligtasan. Ang PRO 10 ay nananatiling matatag na katuwang ng media sa pagsusulong ng malayang pamamahayag.

Ang PRO 10 ay nananatiling matatag na katuwang ng media sa pagsusulong ng malayang pamamahayag.

Panulat ni Pat Rizza C Sajonia

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles