Walang namomonitor ang Philippine National Police na seryosong banta dalawang araw bago ang 2025 National and Local midterm elections.
Ayon kay Police Brigadier General Jean Fajardo, PNP Spokesperson, ang kabuuan ng election period ay maituturing ng Pambansang Pulisya na generally peaceful.
Ayon pa kay PGen Fajardo, bagamat may mga naitalang mga insidente ngunit hindi naman ito nagdulot ng kaguluhan sa pangkalahatan.
Sa kabila nito ay patuloy aniya ang pagbabantay ng PNP at pagsasagawa ng intelligence gathering para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kaugnay nito, nananatili pa rin sa 40 ang kabuuang validated election-related incidents sa buong bansa.
Mula sa naturang numero ng validated election-related incidents, aabot sa 26 ang ikunonsiderang “violent” habang nasa 14 naman ang “non-violent.”
Batay sa datos ng PNP, karamihan sa mga naitalang validated violent election-related incidents ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na mayroong walo (8).
Sinundan naman ito ng Cordillera Administrative Region na mayroong seven (7).
Tatlo (3) naman ang naitalang validated violent election-related incidents sa Zamboanga Peninsula habang dalawa (2) naman sa Cagayan Valley.
Tiniyak ng PNP na patuloy ang kanilang gagawing pagbabantay ngayong halalan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.